Kabanata 85 AFTER lunch ay tumawag siya sa bahay para kumustahin si Kei. Ngunit si Maya pa rin ang sumagot sa telephone nang hindi siya ulit sagutin ni Kei sa kanyang mga tawag. "Maya, gising na ba ang sir Kei mo?" agad niyang tanong. She's biting her point finger. She's fidgeting too. Kinakabahan na kasi siya. "Ma'am, hindi ko po na-check pero sa tingin ko po, hindi pa rin lumalabas ng kuwarto si sir Patrick." "Ano? Wait, uuwi ako riyan after ko rito," aniya at agad din naman niyang pinatay ang kanyang tawag. Nag-aalala talaga siya ng husto kay Kei. Bakit kaya hindi pa ito lumalabas ng kuwarto nito. Gusto niya na ang umuwi ngunit hindi pa puwede dahil kailangan niya pang kausapin si Dean, tungkol sa resignation niya. Dumiretso siya agad sa office ni Dean at kumatok sa pinto. Nan