Kabanata 145 NANG nasa school na siya at makapag-park na siya nang maayos ay hindi pa siya muna bumaba ng kanyang sasakyan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-text kay Kei. Hinahanap niya ito and she was asking if Tito Frank is telling the truth. Nagdadalawang-isip kasi siya lalo pa at iba ang expression ng mukha nito kanina. Hatalang nagmamadali na hindi mo mawari kung may problema ba o wala. Pagkatapos niyang i-text si Kei ay lumabas na siya ng kanyang sasakyan. Tinungo niya muna ang Dean's building para sa kanyang attendance, pagkatapos ay diretso na siya sa teacher's canteen. Naabutan niya sina Luke at Sandra na kumakain na nang kanilang breakfast. Nag-order na lamang siya ng coffee since may ipinadala namang baon sa kanya si Maya. Agad siyang lumapit sa mga ito at umupo s

