Kabanata 128 KINABUKASAN ay halos tanghaling tapat na siya nang magising. Nang kapain niya ang gilid ng kama ay wala sa tabi niya si Kei. Dali-dali siyang napabangon at halos nagkukumahog siya sa pagbaba sa kama ni Kei. Kinuha niya ang robe at agad itong isinuot. Pagkatapos ay dali-dali siyang lumabas ng kuwarto. Kinakabahan siya. Baka kasi iniwan na naman siya ni Kei. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at hinanap si Kei. Pumunta siya sa kusina pero wala ito roon. Nang bumalik siya sa sala ay nakasalubong niya si Maya. "Ma'am Kristina, good afternoon po. Ayos lang po ba kayo?" takang tanong sa kanya ni Maya. "Si Kei!? Nasaan siya?" natataranta niyang ani. Inaatake siya ng kanyang anxiety. Baka kasi mawala na naman si Kei sa paningin niya. "Po? Nasa study room po. Ayos lang po ba kayo m

