Kabanata 159 "Kaya mo na bang tumayo at maglakad, Kristina?" biglang tanong sa kanya ni Sandra. "Hmm? Bakit? Saan tayo pupunta?" "Sa Ob-gyne mo, kailangan kasi iyon para sa follow up check up. Ang sabi naman ni Doctor Fernandez ay okay ang kambal mo pero sinabi niya pa rin na mabuti na iyong ma-ultrasound ka ulit. Baka kasi may abnormalities sa pagbubuntis mo. Nang isugod kasi tayo rito sa hospital, huli ko na nasabi na buntis ka, noong magkamalay na ako." Huminga naman siya nang malalim. "Sige. Kaya ko naman na siguro, Sandra. Hindi naman na masakit ang ulo ko." Tipid naman na napangiti si Sandra sa kanya at humawak na siya sa kamay nito. Inalalayan siya nitong bumaba sa kama. Kinuha rin naman ni Sandra ang kanyang kanyang dextrose bag. Pagkatapos ay lumabas na sila ng kanyang h

