Kabanata 120 HAPON na nang magsidatingan ang mga katiwala nila sa bahay. Pero hindi ang mga ito ang hinihintay niyang dumating kundi si Kei. Hindi pa rin kasi ito umuuwi at halos maggagabi na rin. Nasa sofa siya sa sala at ang kanyang atensyon ay nanatili lamang na nakatuon sa labas ng pinto. "Ma'am Kristina? Bakit hindi po muna kayo magpahinga?" pukaw ni Maya sa pagkakatulala niya. Bumaling siya kay Maya. "Hinihintay ko pa si Kei. Hindi ba siya bumalik sa purinarya kanina?" tanong niya kay Maya. Dumating naman si Daisy at dinalhan siya nito ng tea. "Hindi na po bumalik si sir Patrick doon, ma'am Kristina. Bakit po? Umalis po ba si sir Patrick?" wika naman ni Daisy. "Yes, at wala na naman siyang sinabi kung saan siya pupunta," sagot niya at napabuntong-hininga. "Baka nag

