Kabanata 116 Pagkatapos niyon ay lumabas din naman siya agad ng kanyang kuwarto. Naabutan niya si Kei na nakasandal sa gilid ng kanyang pinto habang nakaupo sa sahig. Nakabihis na rin ito at malayo ang tingin nito sa kawalan. Ni hindi nga yata siya nito napansing lumabas siya ng kanyang kuwarto. "Hey? What are you doing here Kei?" tanong niya at hinawakan ito sa balikat. Saka lamang ito gumalaw at nabalik sa katinuan nito. Napatingala naman si Kei sa kanya at agad na tumayo. "Are you done?" he asked her back. "Tapos na," tipid naman niyang sagot. "Let's go," anito at hinawakan siya nito sa kaliwang kamay. Sabay na silang bumaba sa hagdan. Lumabas din naman sila agad ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Kei. Pinasibad din naman nito agad ang sasakyan palabas ng kanilang bakuran. Th

