Kabanata 80 PAGKATAPOS niyang umiyak ng ilang oras para ibuhos ang lahat nang sama ng loob niya kay Monika ay tumayo siya. Pinahiran niya ang magkabila niyang pisngi gamit ang kanyang mga palad. Kinuha niya ang trash bin at agad na kinuha ang mga na shredded na papel. Inilatag niya ito isa-isa sa kanyang working table at masusing pinagdikit-dikit. Habang ginagawa niya iyon ay ayaw pa rin tumigil sa pagtulo ang kanyang mga luha. She continued arranging it. Trying to get it back into one form of piece of paper. Kahit nahihirapan siya sa pagdugtong-dugtong nito ay buo pa rin ang determination niya na maayos ito. After thirty minutes, she's done with one paper at hindi niya alam kung ilang pages ba iyong na shred niya. She look at the left paper in her desk. Binilang niya ito dahil may