Kabanata 70

1544 Words

Kabanata 70 KINABUKASAN ay maaga siyang binulabog ni Sandra. "Kristina, wake up! My god! Magtatanghali na!" ani Sandra gamit ang matinis nitong boses. Inis niyang tinakpan ang kanyang ulo gamit ang malaking unan. "Kristina! I said wake up!" pangugulit muli ni Sandra sa kanya. Napabalikwas siya nang bangon. "Ano ba Sandra! Ang ingay mo!" nakasimangot niyang ani. "My god Kristina! Ano bang pinaggagawa mo kagabi at napuyat ka!" litanya nito. "Teka nga Sandra! Bakit ba ang hyper mo ngayong araw? High ka ba ha?" "Patrick's leaving right now! Ikaw na lang hinihintay namin. Grabe kanina pa ako gising nang gising sa iyo." Namilog naman ang kanyang mga mata nang marinig niya iyon. "Ano!? Teka si Kei aalis na? Pero mamaya pa ng hapon ang alis natin, 'di ba?" naguguluhan niyang tanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD