27 - I Refuse Alexander’s Point of View Tulala at wala sa sarili. Those are the right words to describe what I am feeling right now. Nandito ako ngayon sa condo unit ko at umiinom ng alak. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Nandoon na ako, eh. Panalo na ako. Secured na ang 20 million at ang mga ipapagawa ko sa mga kaibigan ko. Pero lahat nang ‘yon ay naglaho na parang bula, and it’s all because of my own stupídity! Sinong tangang makakatulog after rounds of sèx? Ako. Oo ako! Ako na ang tanga. Putàngina! Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baso at napapikit na lang. Idagdag mo pa ang katawa-tawang picture ko sa cellphone ni Heart. Parang gusto ko na lang maiyak at maglupasay. Mas kaya ko pang magbayad ng 20 million at gawin ang dare ng mga kaibigan ko kaysa ang makita ng mga t

