21 – Cornered Summer’s Point of View Let’s have sèx. Napakurap-kurap ako. Makailang beses akong tumitig kay Sir Alexander para lang masigurong hindi ako nananaginip. Kinurot ko pa ang braso ko para mas makumbinsi ang sarili ko. “A-Ano?” Bukas-sara ang bibig ko dahil hindi ko alam kung paano ako sasagot sa sinabi niya. I am speechless. Bigla akong nablangko dahil sa labis na pagkawindang. Hindi kailanman pumasok sa isipan ko na ‘yon ang sasabihin niya; na ‘yon ang maiisip niya. Latrisse and I didn’t think that far. Akala namin ay sisingilin niya lang ako sa mga utang kong date sa kanya. Well, hindi ko rin naman kasi sinabi sa kanya na may nangyari sa amin ni Sir Alexander. “How many times do I have to repeat it, Heart?” aniya at pinaningkitan ako ng mga mata. “I am sure you heard me

