90 - Piece By Piece Summer's Point of View “Galit ka ba?” nag-aalangang tanong ko kay Alexander nang makapasok kaming dalawa sa sasakyan. Kahit na halata sa mukha niyang wala siya sa mood ay gusto ko pa ring marinig mula sa bibig niya ang sagot. “Hal...” Huminga siya nang malalim saka ako nilingon. “I’m mad, hal—fuming mad. Pero hindi sa ‘yo kundi kay Anton,” matigas niyang sabi saka binuhay ang makina ng sasakyan. “It’s been hours since that happened pero hindi nabawasan ang inis na nararamdaman ko sa kanya. I still wanna punch the f**k out of him!” Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil. “Huwag kang mag-alala, hal. Mas iiwas na ako sa kanya para hindi ka mag-alala.” Umiling siya. “I trust you, hal. In case you’re thinking na wala akong tiwala sa ‘yo—meron. Kay Anton ako wal

