88 - Haunting Alexander’s Point of View “You can cry now, Al,” pang-aasar sa akin ni Thadeus nang makarating siya. He’s had this smug look on his face as he sat down in front of me. Siya lang ang nakasipot dahil busy si Alas sa pamilya niya; may outing daw sila. Si Daxon naman ay mukhang busy rin sa pag-aalaga sa inaanak niya. And Damian is as always unavailable because he’s way too far from us. “Shut up, Thad,” inis kong sabi saka siya binigyan ng maiinom. “There’s no way I’d cry,” dagdag ko pa at nilagok ang alak. Nakangiwi akong tumingin sa kanya. “Iiyak lang ako ‘pag pati girlfriend ko inagaw sa akin.” Natawa siya sa sinabi ko. Naiiling siyang uminom ng alak bago tumingin sa akin na para bang may nasabi akong bagay na hindi niya kayang paniwalaan. “Am I really hearing this from you

