70 - Talk Summer’s Point of View “He said that?” tugon ni Latrisse matapos kong ikwento sa kanya ang naging sagutan namin kanina ni Alexander sa opisina. Marahan akong tumango saka bumuga ng hangin. “Hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi niya,” inis kong sabi at napapikit na lang para pakalmahin ang sarili ko. “Ang pangit kasi ng dating ng sinabi niya, Tris. Ang pangit!” Uminom muna ako ng tubig para kahit papaano ay mahimasmasan ako. “He really made me feel na ang dali-dali kong babae.” “Heart...” Tumingin nang diretso sa akin si Latrisse. “This is not to take Alexander’s side, okay? Baka hindi niya intensyon na ‘yon ang iparamdam sa ‘yo,” sambit niya. “I mean, I get your point na parang walang tiwala ang boyfriend mo sa ‘yo, pero inintindi mo rin ba ang point niya?” “His point was t

