77 – Shattered Summer’s Point of View “Emergency!” Umalingawngaw ang sigaw ko sa labas pa lang ng ospital. “Tulungan n’yo kami. Bilis!” Halos magsilabasan ang mga ugat ko sa leeg dahil sa lakas ng sigaw ko. Iyak lang ako nang iyak habang hawak ko si mama. Maya-maya pa ay may mga lumapit na sa aming nurse na may dalang stretcher. Agad nilang inihiga si mama roon at ch-in-eck ang kalagayan niya. May lumapit sa aking nurse para tanungin ako kung ano ang nangyari, pero hindi ko magawang sumagot dahil pinangungunahan ako ng mga hikbi ko, kaya si kuya na lang ang humarap dito at nakipag-usap. Napaupo na lang ako sa labas ng ospital dahil sa labis na panghihina ng mga tuhod ko. Kay sakit ng dibdib ko—kay sikip. Halos hindi ko na maramdamang may hanging pumapasok sa baga ko. “M-Mama...” “Tang

