67 - Brewing Storm Summer’s Point of View Linggo. Nakatihaya lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Kakatapos ko lang maglinis dito sa kwarto namin ni mama. Damang-dama ko ang pagod at gusto ko sanang umidlip, pero hindi pwede dahil hinihintay kong matapos umikot ang washing machine. Para hindi makatulog ay kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinungnan kung may mga importanteng emails ba akong natanggap, pero puro text messages lang ni Alexander ang nakuha ko. We were supposed to have a date today, pero hindi na ako pumayag dahil sunod-sunod na ang paglabas naming dalawa at napapabayaan ko na ang responsibilidad ko sa bahay. At isa pa, gusto ko ring ma-enjoy ni Lenlen ang weekend. Binigyan ko nga siya ng pera para gumala sa mall kasama ang mga kaibigan niya. Matapos kong mag-rep

