08 – First Date Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina ay sinalubong na ako agad ng matamis na ngiti ni Sir Alexander. And it was the first time I ever saw him arrive earlier than me. Napaka-aliwalas ng mukha niya. He’s grinning from ear to ear. “Good morning, my dear Summer Heart,” aniya at kumindat pa sa akin. Tinapunan ko lang siya ng malamig na titig. Baka akala niya ay okay na kami. Hindi por que pumayag ako sa kondisyon niya ay ayos na rin ang ginawa niya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya napapatawad sa pagnanakaw niya ng halik sa akin. “Why so cold, honey?” Huminga ako nang malalim dahil umagang-umaga pa lang ay sinusubok na niya ang pasensya ko. Pinili ko na lang na ‘wag siyang pansinin at dumiretso na lang sa desk ko para magtrabaho. Pero mukhang wala

