"Bakit mo sinabi agad kina Mommy at Pamela na magpapakasal tayo?' Sita niya kay Akio nang makalabas na sila sa may hardin para mag usap. Agad na niyang niyayang lumabas si Akio nang matapos silang kumain, baka kasi kung anu-ano pa ang masabi nito sa Mommy niya. "Alam mo naman na magpapakasal tayo hindi ba?' Balik tanong nito sa kanya. "Oo, pero sana naman sinabi mo muna sa akin na sasabihin mo na ngayon," she said. "May mali ba sa sinabi ko kanina?" Tanong na naman nito sa kanya. Lagi na lang tanong ang nagiging tugon nito sa mga sinasabi niya rito. "Celina," tawag sa kanya ni Akio at hinawakan pa sa magkabilang balikat at iniharap siya nito rito. "Magpapakasal tayo. That's it. Mabuti ng alam na ng pamilya mo. Nakita mo naman na ang saya-saya ng Mommy mo," Akio said. Nakita naman t