"Celina," tawag niya sa dalaga nang makita ito na nakaupo sa isang mesa at may kasama itong lalake. Nakatalikod sa kanya ang lalake kaya hindi pa niya nakita ang mukha nito. Nagyuko ng ulo si Celina para marahil iwasan siya, pero huli na dahil nakita na niya ito at nakilala. Kahit nakatalikod pa siguro ito sa kanya at makikilala niya ang dalaga. Paano bang hindi niya ito makikilala eh hindi naman ito naalis sa isip niya, laging nasa isip niya ang dalaga at lalo na ngayon na kahit yata saan siya humarap ay parang nakikita niya ang maganda nitong mukha. Humakbang siya palapit sa mesang kinaroroonan ni Celina. Nagtungo siya sa restaurant na iyon dahil inutusan siya ng Mama niya na i order ng paborito nitong pasta roon. Kahit may trabaho siya kumilos siya agad para sa ina, wala daw kasi ito