Lalake ang sinilang niya, tuwang-tuwa si Akio dahil lalake ang panganay nila. Mas natuwa pa ang asawa nang makitang kamukhang-kamukha nito ang anak nila. Napakagwapo kasi at kahit baby pa lang kita na ang kagwapuhan ng baby nila na tiyak na maraming babaing paiiyakin. Austin ang pingalan nila sa baby, si Akio na ang pinapili niya sa pangalan tutal lalake naman ang susunod na baby nila siya na ang magbibigay ng pangalan dahil siguradong babae na. "Napakagwapo ni Austin," bulong sa kanya ni Akio habang pinagmamasdan nilang mag asawa ang anak na mahimbing ang tulog sa crib nito. Ilang araw lang matapos niyang manganak nag decide na siyang umuwi hindi rin naman kasi siya kumportable sa ospital. Habang nasa ospital pa sila dumalaw naman ang pamilya ni Akio sa kanila. Sabay-sabay dumalaw ang