"What is this pare?" Hindi niya tinago ang inis sa kaibigan niyang si Mark nang mag usap sila nito sa labas ng VIP room na kinuha ng kaibigan para rito at kay Celina. "Alam mo kung sino si Celina para sa akin, Mark. Sinabi ko sa iyo ang lahat, then makikita ko kayong magkasama na kayong dalawa lang!" May galit sa kanyang tinig na hindi niya magawang pigilan. Tumawag siya sa bar para kumustahin ang daloy ng mga tao dahil wala siyang balak pumunta sa bar ngayong gabi. Nagtungo kasi siya sa bahay nina Celina para masulyapan ang dalaga, iyon nga lang nang naroon na siya nalaman naman niya sa staff niya na nasa bar niya si Mayor Mark at may kasama itong babae. Tumugma ang description ng staff niya kay Celina, kaya agad siyang nagtungo sa bar para alamin kung si Celina nga ba ang kasama ni Mar