"Akio, what are you doing here?" Mark asked him. Masamang tingin ang pinukol niya sa kaibigan habang palapit sa gazebo na kinaroroonan nito at ni Celina. Pumukaw sa kanyang atensyon ang bouquet na rosas na nasa mesa. Hindi niya napigilang umigting ang kanyang panga sa inis na nararamdaman niya kay Mark. "Iyan din ang itatanong ko sa iyo Mark. Bakit ang aga-aga narito ka sa bahay ni Celina at bakit wala ka sa munisipyo para magtrabaho," sita niya kay Mark at sinulyapan si Celina na nakatayo sa tabi ni Mark at nakatingin sa kanya. "May pinag-uusapan kaming mahalaga ni Celina," Mark said. "Ano naman iyon?" He asked at sinulyapan si Celina. Nagtaas naman ito ng kilay sa kanya. Iba na naman ang aura nito, malayo sa magandang aura nito kagabi nang iwan niya ito sa ospital kasama ang Mommy