Matapos ang isang buwang pag aasikaso sa kasal nila ni Akio dumating din ang araw na pinakahihintay niya, ang engrandeng church wedding nila ng asawa. Hindi nga siya makapaniwala at nasa simabahan na siya naglalakad sa papunta sa altar kasama ang Mommy niya kung saan naroon si Akio at naghihintay sa kanya na may ngiti sa labi. Maraming tao ang naroon para saksihan ang pag-iisang dibdib nilang muli ni Akio, lahat ng malalapit na kaibigan ni Akio naroon na halos politician pala. Sina Governor Kian, Mayor Harold, and Mayor Mark kasama ang magagandang asawa ng mga ito. Sa bisita pa lang masasabi niyang puro big time ang dumalo kaya talagang engrande ang kasal nila. Syempre naroon din si Sanya ang nag-iisang kaibigan niya. Naghahanap na nga ito ng lalaking katulad ni Akio. Sa paglalakad nam