"Bakit narito ka pa ng ganitong oras, Akio?' Tanong ng Ate Alexa niya nang magtungo siya sa silid ng kapatid. "Gusto lang kitang dalawin, Ate," tugon niya. "Uuwi naman na ako bukas sabi ng doctor,' saad nito sa kanya. Tumango-tango siya rito at humakbang palapit sa kamang kinahihigaan ng kapatid. "Ate," tawag niya rito nang maupo sa kama nito. Sinulyapan siya nito at hinintay ang sasabihin niya. "Bakit sobrang mahal mo si Pao, Ate?" Tanong niya sa kapatid. Wala kasi siyang idea about love at kung paano nagagawa ng love ang lahat ng ito sa isang tao. Aware siyang maraming naloloko ng pag-ibig at nagnanais na wakasan na lang ang buhay. Hindi naman ang Ate lang niya ang nakita niyang nagtangkang magpakamatay dahil sa pag-ibig. Nagtataka siya kung bakit kailangan umabot sa ganon ang lahat