Sa pagliligtas sa kapatid niya hinayaan niyang si Akio ang mag desisyon, mas maalam naman kasi ito kesa sa kanya kung ano ang tamang gawin. May tiwala siya kay Akio, alam niyang maililigtas nila ang kapatid niya. "Are you ok?' Akio asked her nang balikan siya nito sa sasakyan kung saan siya nito pinaghintay habang nakikipag usap ito sa mga pulis na tutulong sa kanila. Noong una ayaw niyang may pulis na ma involved baka kasi malaman pa ni Pao at saktan nito ang kapatid niya. Pero nagtiwala siya sa plano ni Akio. "Yeah, ano ng balita?' She asked. "Nakahanda na ang mga pulis. Hihintayin na lang natin ang tawag ni Pao para matunton ang kinaroroonan nila, at pag nalaman na natin saka na tayo kikilos para puntahan sila," paliwanag sa kanya ni Akio. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone n