"Anong iniisip mo? Kanina ka pa parang ang lalim ng iniisip?' Tanong niya kay Celina nang matapos na silang kumain. Dahil wala naman pagkain sa bahay niya nagpa deliver na lang siya. Sanay naman kasi siyang hindi kumakain sa bahay kaya wala siyang stock na pagkain para sa kanya. Pero siguro magbabago na ang lahat ng iyon dahil may asawa na siya. Pansin pa naman niyang maasikaso si Celina sa kanya. "Wala lang nag-aalala lang ako kina Mommy at Pamela, wala na silang kasama sa bahay," tugon ng asawa sa kanya. "Bakit naman? Kaya naman nila ang mga sarili nila. Hindi na rin naman bata pa si Pamela. Saka may mga kasambahay naman na nag-aasikaso sa kanila," tugon sa asawa na halata sa magandang mukha nito ang pag-aalala sa ina at kapatid nito. "Hindi kasi sila sanay na wala ako," Celina said.