Chapter-14

1823 Words

Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula kay Pamela. Sa sandaling pag-uusap nila ng kapatid napaamin niya ito na ito ang mistress ni Pao Ramos. Hindi malinaw sa kanya kung bakit nagawa ng kapatid ang malaking kasalanan na iyon. Marami kasi siyang tanong na hindi na sinagot pa ng kapatid. at basta na lang nito pinatay ang cellphone. Hinayaan na muna niya ang kapatid, mas gusto niyang makaharap ito para malaman ang totoong dahilan kung bakit nito nagawa ang bagay na iyon. Sinulyapan niya si Akio na kumakain na habang pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kanya ni Akio pag inamin niyang siya ang mistress ng bayaw nito. Kailangan kasi niyang akuhin ang kasalanan at pagkakamali ng kapatid. Sixteen lang si Pamela at hindi niya nais na magdusa ito sa kamay ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD