Kaibigan ni Akio ang Mayor na magkakasal sa kanila si Mayor Harold at kaibigan din Akio ang magiging saksi sa kanilang kasal si Governor Kian. Dalawang bigatin pagdating sa pulitika ang naroon sa pag-iisang dibdib nila ni Akio. Hindi man siya nakasuot ng wedding gown at wala siyang hawak na bulaklak eh bigatin naman ang mga taong makakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Akio. "Ako sumusunod lang ako rito ah," pabirong saad ni Mayor Harold bago nito sinimulan ang seremonyas sa kanila ni Akio. Silang apat lang ang nasa loob ng Mayor's office pero kahit aapat lang sila napaka valid naman ng kasal na gaganapin. Tiyak na hindi na siya makakawala pa kay Akio. "Ito nga pala ang mga wedding ring," saad ni Governor Kian sabay abot pa kay Akio sa maliit na box. Hindi niya alam kung matatawa si