Hurt Nang sumapit na ang umaga ay hindi parin nakauwi si William. Ni hindi siya nangayat sa kakaupo sa gilid ni Hope. Pumasok ako sa banyo at nag ayos at hilamos. I decided to buy our breakfast and coffee. Ayoko nang istorbohin pa ang mag ama. Nang lumabas ako ng banyo ay nakatingin na agad sakin si William. Inayos ko ang kurtina ng kuwarto ni Hope para naman pumasok ang init ng araw kahit paano. "Uhm, Bibili ako ng breakfast natin at kape..Uh sayo..kung saan ka kakain." Umiling siya at tinuro ang sofa na kinahihigaan ko kanina. "Sit. Nagpabili na ako sa assistant ko. Lahat narin na kailangan ng anak ko pinabili ko na. Marami pa tayong pag uusapan." I was nervous when he said that. Kinalma ko ang sarili pagkunway. This is it. Kung ito ang makakapag ayos sa lahat then why not? Ba

