Monthsarry I can't believe what just happened. Hindi ko rin akalain na magagawa namin iyon sa loob ng kubo! Namumula ako ng husto pagkatapos nun! Hindi ko rin siya kinikibo lalo na't makikita ko ang mapang uyam niyang tingin sa akin. "Uy!" Siniko ako ni Dorothy. "Kanina kapa namin hinahanap ni Mila." Nakaayos na sila at magsisimula na kaming kumain. Si William naman ay kinakausap si daddy. Feeling ko, may kakaiba na sa akin dahil nagawa ko na ang bagay na iyon. Alam kong may nalagas na sa aking kainosentihan. "Uh nagpahangin lang ako sa-sa dagat." Tumango tango naman at ngumuso si Dorothy. "Tara na! I think, we're going to eat na." hinila niya ako papasok. Dahil may iilan pang bisita na kapamilya sa side ni daddy ay marami ang handa at sa likuran lamang ng mansyon ginanap. M