Tanya: Umuwi ako ng pinas kahit na hindi alam ni Dale. Hindi na ko nagpapigil kahit sa kapatid niya. Gusto ko ding makaharap ang Erica na yan dahil matagal na akong nag titimpi. Pinatay ko ang mobile phone ko para hindi ako matawagan ng asawa ko. Madalas kasi niya akong tinatawagan. *** 6pm na ng hapon at nakarating ako ng mansion agad akong pumasok. Hinahanap ko ang asawa ko. Nakita pa ko ng ilang kasambahay namin at gulat na gulat sila sa pagbabalik ko. "Nasan ang asawa ko?" Tanong ko kay Jana ang katulong namin. "Señorita wala pa ho si Señorito." "May pasok siya ngayon?" "Opo Señorita." Pagkatapos non ay nagpasiya akong umupo na muna sa malambot na sofa dito sa sala. Nag antay pa ako at nakaramdam nako ng gutom. Kaya naman ay nagpaluto agad ako at Kumain na. 9pm na a