Tanya: Habang nakahiga ako ay hindi ko namalayang may tumatawag na pala sa phone ko. Nakasilent kasi to tuwing nasa klase ako. Bumangon ako ng magring ulit ito. "Abby? Napatawag ka?" "Malamang tatawagan talaga kita bakit hindi ka pumasok? Ang init ng ulo ng asawa mo ah kanina pa siya sa klase. Nag away ba kayo?" "Abby pwede kabang mag cut ng class kahit ngayon lang oh please puntahan mo ako dito." "So may problema nga kayo?" "Oo eh. Gusto ko ng makakausap please nalulungkot ako pati si baby." "Hay okay Sige Sige usap tayo alam mo naman ding broken hearted ako kay Luke simula ng malaman kong ikakasal na siya. Teka may pagkain ba Jan? Pakain ha nagugutom na ako eh." "Haha nakakatawa ka talaga oo Sige lang punta kana at kumuha ka nalang ng pagkain sa kusina madami dun. Akyat ka aga