Tanya: Kinuwento ko ang lahat lahat kay Dale at matiyaga itong nakinig sakin, sa mga paliwanag ko. Nalinis nadin niya ang sugat ko at ilang galos ko sa katawan. "Dale." Banggit ko sa pangalan nito. "Yes?" Sagot niya at itinigil ang pag tatype sa laptop niya. Nandito ako ngayon sa kuwarto namin habang siya naman ay inaayos ang lesson plan niya for next week. "Hindi ka ba galit na hindi na ako ang lalaban sa competition bukas?" Bukas na kasi ito gaganapin. Hinila niya ako at ikinandong sakanya. "Bakit naman ako magagalit sayo?" "Syempre alam ko na inaasahan mo ko at ikaw pa nag presintang isali ako diba." "Okay lang Tanya wag kang mag alala okay? San mo pala gusto pumunta ngayong nalalapit na sembreak?" Tanong niya sakin. Sembreak na kasi after ng competition.. Agad na nag sink in