Tanya: Second Semester na at araw na ngayon ng pasukan. Narito ako sa loob ng room habang nakatanaw sa bintana. Inaantok talaga ako. Bumibigat din ang pakiramdam ko. "Tanya? Buti nandiyan kana di ka sumabay sakin kumain bigla ka nalang nawala." Sabi ni Abby. Sa totoo lang ay nagtagal ako sa cr kaya hindi niya ako nakita. Nahihilo kasi ako at nasusuka. Tinatamad din kasi akong bumaba sa Canteen para kumain hindi naman ako gutom eh inaantok lang. "Pasensiya na Abby wala ako sa mood makipag usap ngayon eh. Mamaya nalang tayo mag usap ha." Sabi ko at tumalikod nako sakanya at inihiga ang ulo ko sa table ko. "Hoy ano bang nangyayare sayo? Lagi ka nalang natutulog tignan mo tumataba kana. Aba tumataba ka nga ata?" kahit naririnig ko si Abby ay hindi ko na napansin to dahil sa labis na antok