Tanya: Nalinawan din kaming mag asawa sa lahat ng nangyare. Pareho kaming nawalan ng ala ala at parehong nilayo ng tadhana sa isa't isa. Ganon pa man ay sadyang mabait ang Diyos at muli kaming pinagtagpo muli. "Tanya handa kana?" Tinig yon ni Dale. Nag eempake na kasi kami ng mga damit dahil sa Canada na muna kami titira at napagkasunduan naming mag asawa na doon isisilang ang anak namin. "Oo saglit nalang to." Masayang sabi ko. Lumapit naman sakin ang asawa ko at naglambing. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako at nag aayos ng mga damit. "Mahal na mahal kita Angel, Tanya, Victoria." Natawa ako dahil ang dami na niyang tinawag sakin. "Mahal na mahal din kita Mr. Grey." Sabi ko. Hahalikan na siya Sana ako ng biglang may nag doorbell. "Hub? May bisita pa ba tayo?" Tanong ko