CHAPTER 25 Monina's P. O. V Nakatitig ako kay Almira at Khayne na ngayon ay chine-check na ulit ang vitals nito. Napabuntong hininga ako. Nalulungkot ako tuwing naiisip ang pagtanong niya sa akin. Gustong-gusto kong sabihin na ako ang tunay na mahal niya, na pinakasalan niya ako. Umaasa ako na maalala niya ako kahit hindi ko masabi, dahil hindi ko talaga pwede sabihin. Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagpipigil ng luha. Flashback Nakaharap kami kay Mr. Theodore Jallorina. Kami ang napili bilang nurse kay Khayne. "These nurses are the best nurses here in our hospital," ani Doctor Perez. Napangiti ako. Napatingin ako kay Mr. Theodore, napalunok ako nang makitang nakatitig siya sa akin. Nakikilala niya ba ako? Baka mamaya nalaman na nilang ako ang pinakasa