CHAPTER 18 Monina's P. O. V. Hindi ako mapakali. Gabi na ngunit wala pa ring reply si Khayne sa mga messages ko, sinubukan ko na rin siyang tawagan pero out of reach ito. Nag-o-overthink na ako, naiisip kong baka natuloy nga ang kasal nila ng babaeng sinasabi niyang anak ng Quizon. Nangangamba ako. Pakiramdam ko may mali, hindi naman kasi ganito si Khayne. Mag-re-reply at mag-retreply 'yon sa akin. "Yna, kumain ka na. Hindi ka pa nagla-lunch," ani kuya at nilapitan ako. "Busog ako..." malungkot kong sambit habang hawak lamang ang cellphone ko. "Yna, anak," lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. "Hindi ka ipagpapalit ni Khayne. Kaya busy 'yon ay dahil ginagawan niya ng paraan ang relasyon niyo. Sa tatlong taon ay kilala ko na ang batang 'yon. Paniguradong dumidiskarte