CHAPTER 37 Monina's P. O. V. Kinabukasan ay nagising na raw si Mama kaya agad kaming nagtungo sa hospital. Sa awa ng Diyos ay umayos ang kalagayan ni Mama pero kailangan pa rin ituloy ang bone marrow transplant hanggang sa tuluyang mawala ang sakit ni Mama na Aplastic anemia. Hindi ko naman akalain na magkakasakit si Mama ng ganito dahil kahit may edad na siya ay kilala siya bilang masipag at madiskarteng asawa ni Papa dahil nga minsan ay sumasama pa si Mama sa pangingisda ni Papa. Dahil naging maayos na si Mama ay pinayagan na kaming maiuwi si Mama. Dahil rin sa malaki ang gastos sa hospital ay pinili na rin ni Papa na i-uwi si Mama. Siya na lang daw ang mag-aalaga kay Mama. Samantalang si Kuya ay umuwi na sa asawa niyang buntis. Nagluluto si Papa ng sinigang na bangus habang si Mama