Chapter 13 Khayne's P. O. V Kinasal kami ni Monina sa west, binayaran ko ang mayor upang hindi magsalita tungkol sa kasal namin ni Monina. Nakatitig lang ako ngayon kay Monina na natutulog sa passenger seat. Nakasuot pa rin kami ng wedding attire at handa nang magtungo sa yatch. "Asawa na kita..." naluluha kong sabi dahil sa sobrang saya. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang labi niya dahilan para maalimpungatan ito. Nag-inat pa siya bago imulat ang mga mata niya. "K-Khayne," aniya at tumingin sa paligid. "Lalabas tayo ng kotse at exactly 7 pm. Madilim na noon," sabi ko at hinawi ang buhok niya. Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko. "Asawa ko~" malambing niyang sambit. Napangiti naman ako. Tila ba musika sa aking tenga ang malambing niyang boses. We're a