CHAPTER 29 Monina's P. O. V. Nagulat ako nang makita ko si Hariette. Mabilis akong tumayo at dumistansya kay Khayne. Nakataas ang kilay ni Hariette habang dahan-dahang naglalakad papalapit kay Khayne. "Why are you here?" mataray na tanong ni Hariette. "I will be the next CEO so I must know every details from this company," ani Khayne. Napangiti ako. I love his fighting spirit! Ganiyan nga asawa ko, ipakita mo ang mga kaya mo. Nawala ang ngiti sa labi ko nang lingunin ako ni Hariette. Napakasama ng tingin niya sa akin na para bang kakainin na niya ako ng buhay. "Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Labas!" galit ang tono ng boses niya. Wala akong nagawa. Mabilis akong naglakad palabas ng office ni Khayne. "Hayaan mo muna silang mag-asawa," sabi ni Noli at saka