KAMUNTIK nang hindi makaabot sa seremonya ng kaniyang kasal ang papa ni Janna. Nasiraan pa kasi ang motor nito habang papuntang simbahan kung saan ginanap ang kasal. Mabuti na lang nakarating ito bago siya maiyak sa entrance ng simbahan. It’s her big day, the real one. And finally, her father brought her to the aisle where Jin was waiting for her. Konti lang sa opisyales ng JBM ang dumalo, mga investors, at kasama si Martin sa nakarating. Binigyan nila ito ng invitation card. Dumating din ang kaanak ni Jin from US. Katulad ng napagkasunduan, mabilisan lang ang seremonya dahil ang ibang bisita ay magtatrabaho pa. Pagkatapos sa simbahan ay diretso na sila sa hotel kung saan ang venue ng party. As usual, may pasayaw bago ang kainan. Ang dami nilang nalikom na pera mula sa pasabit ng mga n