TAPOS na ang duty ni Janna pero hindi pa siya lumabas ng workplace. Hinintay niya na makaalis na lahat ng ibang staff sa department nila. Hindi pa naman tumatawag si Jin. Mamaya ay dumating si Larzen at diretso ang pasok matapos kumatok. May access din ito sa lahat ng pinto roon. “Hinihintay ka na ni Boss, aalis na kayo,” anito. Tumayo na siya at isinukbit ang kaniyang bag. “Teka, may gagawin ka ba bukas?” tanong niya rito. “Uhm, wala naman, bakit?” “Kasi pupunta kaming Laguna. Baka gusto mong mamasyal.” Malapad siyang ngumiti. “Kasama mo ba si Jin?” “Oo naman. Doon kami matutulog ngayon.” “Nice. Pero baka ayaw niya akong makita roon without duty.” “Anong ayaw? Sige na.” “Ano ba meron?” “Wala lang. Baka gusto lang din ni Jin makapasyal.” “Okay. Pero ikaw na ang magpaalam sa kani