KAAALIS lang ni Gino ay tumunog ang doorbell. Nang tingnan ni Jin sa monitor kung sino ang nasa labas ay kaagad niyang pinindot ang button sa remote ng pinto. Pumasok si Martin dala ang plastic envelope na may lamang papeles. “Good morning!” kaswal na bati nito. “Morning. Please take your seat,” aniya. Umupo naman ito sa katapat niyang silya. “Janna’s office were closed. Is she’s not here?” curious nitong tanong. “She’s in the house, taking rest,” kalmado niyang tugon. “Why? Is she sick again?” Tumango siya. “But she’s gonna be fine, don’t worry.” Hindi pa niya na-review ang footage sa production department na kuha kahapon. Doon nagmula si Janna kaya natagalan at iba na ang mood nang humarap sa kaniya. “I will pray for her recovery.” “Thanks for your concern, Martin.” Ngumiti lan