HINDI na apektado si Janna sa madalas na pagbisita ni Zadkiel sa bahay nila. Nasa kaniya rin naman ang desisyon kung bibigyan niya ito ng chance, but for her, friendship was enough. Zadkiel really loves staying with them. Inamin ng binata na mas gusto nitong kasama ang papa niya kaysa pamilya nito. May bagong asawa na rin pala ang mommy nito matapos makipag-divorce sa daddy nito. Natutuwa rin siya dahil kahit papano ay nakatulong si Zadkiel sa recovery ng papa niya. At least ay naipadama nito sa kaniyang ama kung paano magkaroon ng anak na lalaki. Samantalang tatlong araw na magmula noong huling punta ni Janna sa JBM, at wala pa siyang lakas ng loob na bumalik upang makausap si Jin. Nauubos na ang pera niya. Pinaayos kasi nila ang makina ng motorsiklo ng papa niya dahil hirap nang paanda