Chapter 72

2381 Words

TINATAMAD bumangon si Janna kinaumagahan. Masakit ang kasu-kasuan niya maging ulo. Wala na sa tabi niya si Jin. Hindi maaring tamarin siya dahil kailangang kasama siya ni Jin sa lahat ng lakad nito. Nagpumilit siyang bumangon ngunit biglang pumintig ang sintido niya at biglang nahilo. Ikinalma niya ang katawan nang ilang minuto bago muling gumalaw. Nang humupa ang hilo niya ay bumangon na siya at pumasok ng banyo. Naligo siya ng warm water at nahimasmasan. Pagdating niya sa dining ay naroon na si Jin pero hindi pa kumakain. Nakaupo lang ito sa harap ng lamesa at may kausap sa cellphone. Suot nito ang cream tuxedo na bumagay lalo rito. Usually, Jin wore black or gray suits, at saka lang niya napansin na mas bagay rito ang light color. Gusto rin niya ang ayos ng buhok nito na sinuklay sa i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD