KINUHA pa rin ni Jin ang rose cuttings mula kay Calder bago sila nagtungong hotel. Inamin nito na gusto rin nitong mapalapit sa tiyuhin pero dahil hindi nito kabisado, iiwas na muna ito. Ang sabi kasi ni Lolo Emilio, walang taong nakapagtitiyaga sa ugali ni Calder. “Calder had a personality that grandpa didn’t discover yet. The sweetest side of him,” sabi ni Jin nang makapasok sila sa luxury room ng hotel na inilaan para sa kanila. “You should call him uncle,” aniya. “He’s two years younger than me, Janna.” “Still, uncle mo pa rin siya.” “That’s awkward.” Ibinagsak nito ang bag niya sa kama saka ito humiga roon. Nilibot naman niya ang pasilidad ng malaking kuwarto. Sobrang laki nito kung para lang sa dalawang tao. Hindi siya magtataka bakit naging five star hotel ang El Gregorio Para