SUMABAY na si Janna kay Aster sa pagpasok sa opisina. Marami siyang nabinbing trabaho kaya tinukutan niya ito. May emergency board meeting sa umagang iyon at obligado siyang dumalo. Pagdating sa conference room ay naroon na ang ibang opisyales ngunit wala pa si Jin. Dumating din si Martin at Larzen. Umupo siya sa dati ng dalawang lalaki na kahilira ng mga board member. “Hi!” kanangiting bati sa kaniya ni Martin. “Hello!” kaswal niyang tugon. “I’m glad you’re here,” anito. Malapad siyang ngumiti. Mamaya ay dumating si Jin. Nang makatayo ito sa harapan nilang lahat ay awtomatikong lumipad ang tingin nito sa kaniya, sinipat din si Martin. “I convoke an emergency meeting to inform you about some changes in the management forwarded by the Florida branch,” panimula nito, naka-focus na sa