HINDI na lumipat si Janna sa kuwarto nila ni Jin. Nagligpit siya ng kalat sa dati niyang kuwarto. Nang malinis na lahat ay napansin niya ang cellphone ni Jin na naiwan sa desk ng bookshelves na walang laman. Kinuha niya ito saka siya nahiga sa kama. Binuksan niya ang cellphone. Mabuti hindi nagpalit ng password si Jin. Binuksan niya ang call history nito at nawindang siya nang makita ang limang dialed call na para kay Lexy. Mahigit isang oras pa lang ang nakalipas nang tawagan nito ang babae. Alas-nuwebe na ng gabi tinawagan pa nito si Lexy? At lalo siyang nagimbal nang mabasa ang huling mensahe ni Jin para kay Lexy. Jin: Please answer my call. We need to talk. Awtomatikong may nakapanlumong kirot na umatake sa kaniyang puso. Jin’s message to Lexy seems personal, deep, and intriguing.