GABI nang nakabalik ng Maynila sila Janna. Tinanggap na ng papa niya ang farm lot na pahulugan ng kaibigan nito. Nakapag-down na sila ng thirty thousand. Ang plano ng papa niya, magtatanim na kaagad ito ng palay at mga prutas sa lupain. Para kapag nakapag-ani, doon na kukunin ang buwanang hulog sa lupa. Puwede naman niyang mai-cash iyon pero ayaw muna niyang galawin ang perang binigay ni Jin. Saka na kapag nagkaayos na sila. Mahigit isang ektarya ang lupa, one point five million ang bentahan. Mura na iyon kumpara sa iba at kompleto na ang papeles, saka hulugan naman. May nakatayo na roong kubo na puwedeng tirahan, konting ayos na lang. “Paano kayo magsasaka ng palay, Pa? Hindi puwedeng ikaw lang. Kailangan mo rin ng gamit at makakasama,” aniya nang naghahapunan na silang mag-ama. Hindi