bc

IRISH

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
arranged marriage
arrogant
doctor
heir/heiress
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Namulat si Hannah sa masaya at marangyang buhay. Bagamat sa murang edad ay naging ulila, ang kaniyang Lolo George na ang tumayong ama at ina niya. Lumaki siya na busog sa pagmamahal.

Nang makilala niya ang lalaking nakatakdang ipakasal sa kaniya ay agad siyang umibig dito. Ang mayaman, matipuno at simpatikong negosyante na si Zandro Almonte. Abot hanggang langit ang kasiyahan na nadarama niya sa piling nito. Mabait ito, mapagmahal at maasikaso.

Wala nang mahihiling pa si Hannah, dahil para sa kaniya ay siya na ang pinakaswerteng babae sa mundo, hinahangaan at kinaiinggitan siya ng lahat.

Ngunit, napagtanto niyang hindi laging masaya ang buhay. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na darating sa kaniya ang isang matinding pagsubok. Ang kaniyang makulay na buhay ay bigla na lamang napalitan ng kadiliman. Nilinlang siya ng taong pinagkatiwalaan niya ng buong puso. Ang lahat ng ipinakita at ipinadama nito sa kaniya ay pawang kasinungalingan lamang. Niloko siya ng kaniyang asawa. Hindi pala siya ang mahal nito kung hindi ang kaniyang pera.

Hahayaan na lang ba niyang malugmok ang sarili sa kalungkutan at lamunin ng takot?

O, tatayo siya upang lumaban—para sa kaniyang Lolo George, para sa mukha niyang sinira ng kasakiman at para sa puso niyang dinurog ng kasinungalingan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1-My Almost Perfect Life
Ako si Hannah Evangelista Crisostomo, 25 years old, ang nag-iisang apo at tagapagmana ng business tycoon at philantropist na si Don George Lopez Crisostomo. Tatlong taon pa lang ako ng pumanaw ang aking mga magulang dahil sa plane crash accident. Simula noon si Lolo George na ang nag-aruga at nagpalaki sa akin. Dahil mahina ang aking pangangatawan at madalas akong dapuan ng sakit ay ingat na ingat sa akin si Lolo, pati na ang mga kasama namin sa bahay, konting nararamdaman ko lang ay natataranta na sila. Busog ako sa pagmamahal, kaya naman laging positibo ang pananaw ko sa buhay. Namulat ako na ang mga taong malapit sa akin ay may mabubuting puso, lahat sila ay maganda ang trato sa akin kaya naman sinusuklian ko rin ang kabaitan nila. Nabubuhay ako na parang isang prinsesa. Ganun pa man, simple lang ako at may pagkamahiyain, hindi kasi ako sanay makihalubilo sa mga tao, hindi kagaya ni Lolo George na iba't-ibang klase at lahi ng tao ang nakakausap at nakakasalamuha sa araw-araw. Minsan naman ay may pagkapilya rin ako. Madalas ay si Yaya Dimples ang napagdidiskitahan ko, bukod kasi sa masarap siyang biruin ay hindi naman siya pikunin. _ Sa wakas— pagkatapos ng isang linggong pagkakasakit ay nakalabas na ulit ako at nakapamasyal. Masaya akong nagpaikot-ikot sa malawak na lupain na napapaligiran ng mga halaman at bulaklak habang nilalanghap ang presko at sariwang hangin. Isang mayamang kaibigan ni Lolo George ang nagpresinta na gamitin ko pansamantala ang kaniyang rest house na nakatirik dito sa may kalayuang probinsiya ng Santa Catalina. Maganda raw sa akin ang makalanghap ng sariwang hangin at makakain ng mga preskong gulay at isda. Kaya naman napapayag agad si Lolo at pinagbigyan akong magbakasyon sa malayong lugar na ito na hindi siya kasama. Habang ninamnam ko ang kagandahan ng malaparaisong lugar ay biglang nabaling ang tingin ko sa may kahabaang tulay na yari sa kawayan, sadyang ginawa ito ng mga tao sa lugar na iyon para makatawid sa kabilang ibayo nang hindi na kailangang suungin pa ang may kalalimang ilog. Excited kong tinungo iyon, gusto ko ring maranasan na makadaan sa tulay kagaya ng ginagawa ng mga taga roon. "Naku po! Ma'am Hannah, bumaba ka riyan! Mag-iingat ka! Sandali lang... hintayin mo ako!" Mula sa itaas ay natutuwa akong pagmasdan si Yaya Dimples, habang tarantang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko. Ang malusog niyang pangangatawan at ang nag-aalugan niyang mga bilbil ay talaga namang cute na cute sa aking paningin. Mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad dahil ayokong abutan niya ako. Kumaway ako sa kaniya na tila ba nanunudyo. Lalo naman siyang nagmadali. Simula nang ako ay ipinanganak, si Yaya Dimples na ang nag-alaga sa akin. Siya ang kasa-kasama ko kahit saan ako magpunta. Dahil abala si Lolo George sa kaniyang mga negosyo at madalas ay may out of town or out of the country business trip siya ay kay Yaya Dimples niya ako inihahabilin. Bukod kay Yaya Dimples ay may personal nurse din ako, personal driver at tatlong bodyguard. Ganun ka over protective si Lolo George sa akin, gusto niyang makasiguro ang seguridad ko. Sa totoo lang ay hindi biro ang maging apo ng isang bilyonaryo, kaya naman hindi niya ako ini-expose sa publiko, sa business world ay konti lang ang nakakakilala sa akin at iyon ay ang malalapit na kaibigan lamang ni Lolo. _ Nalampasan ko na ang tulay ngunit hindi pa rin ako mahabol ni Yaya Dimples. Ang saya-saya ko ng mga oras na iyon, para akong ibon na nakawala sa hawla. Sinamantala ko ang pagkakataon, minsan lang ako makalakad na walang mga bodyguard at Yaya Dimples na nakabuntot sa akin. Lakad takbo ang ginawa ko, maya-maya ang lingon ko sa aking likuran, gusto kong makasigurado na malayo pa si Yaya Dimples. Sa kalilingon ko ay halos lumakad na ako ng patalikod, hindi ko agad napansin na may taong paparating at nagkasalubong kami. Namalayan ko na lang na bumangga ako sa matigas na bagay. Sa tigas kasi ng katawan ng lalaking iyon ay para bang bumangga ako sa poste. Natumba ako at napaupo sa lupa. Nagulat din ang nakabangga ko. Tumingala ako para tingnan ang lalaki, ang balak ko sana ay awayin siya ngunit tila ba umurong ang dila ko at hindi nakapagsalita ng makita ko ang mukha nito. Ang tanging nagawa ko ay ang mapalunok lamang ng laway. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganu'n ka-gwapong lalaki. Pumikit ako at muling dumilat, akala ko kasi mawawala ang lalaking iyon sa paningin ko kapag ginawa ko 'yon ngunit nanatili siyang nakatayo sa harapan ko na may blangkong ekspresyon ang mukha. "Sa susunod, tumingin ka sa dinaraanan mo!" iritadong sabi nito sa akin na salubong pa ang mga kilay. Sa gulat ko ay nilagpasan lamang ako nito at hindi man lang nag-abalang tulungan akong makatayo. Hindi ako makapaniwala na may ganuon palang klase ng tao, hindi na nga nag-sorry, napaka-ungentleman pa. Oo nga't gwapo siya ngunit ang pangit naman ng ugali niya. Sinikap kong makatayo ngunit naramdaman ko ang p*******t ng aking pang-upo, nauna kasi ang puwet ko na bumagsak kanina. Napangiwi ako, ng makita ko ang kanang braso ko na may gasgas, hindi ko naramdaman iyon kanina. Nilingon ko ang papalayong lalaki, kahit nakatalikod ay may kakaiba itong dating. Matangkad siya at malapad ang balikat. Napabuntong hininga ako ng malalim, sabay ngiwi, naramdaman ko kasi ang pagkirot ng aking braso. Patulo na sana ang luha ko nang biglang dumating si Yaya Dimples. "Naku po! Ma'am Hannah, ano'ng nangyari sa'yo?" tarantang tanong ng aking tagapag-alaga. "Yaya!" tanging nasabi ko, sabay alanganing pakita sa kaniya ng braso ko na pulang-pula dahil sa mga gasgas. "Huh! Diyos ko naman! Ano ba talagang nangyari, ha Ma'am Hannah? Saglit lang akong nawala sa tabi mo ay may nangyari na agad na hindi maganda sa'yo." "Halika! Tumayo ka. Aalalayan kita." Inilahad ni Yaya Dimples ang kamay niya at inabot ko naman. Tinulungan niya akong makatayo. Napapangiwi ako dahil sa sakit ng balakang. "Ano ba 'yan, Ma'am Hannah, hindi ka kasi nag-iingat! Mapapagalitan na naman ako ng senyor nito," anito habang pinapagpag ang likuran ng suot kong puting bistida. "Yaya, ayos lang, mawawala din naman ang sakit, don't worry," assurance ko. Biglang nanlaki ang mga mata ni Yaya Dimples, hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko. "Anong ayos lang? Nakita mo ba ang sarili mo? Puro sugat ang braso mo, mukhang napilayan ka pa, tapos tingnan mo 'tong damit mo puro na putik." "Hay! Ano na naman kayang palusot ang sasabihin ko sa Lolo mo mamaya kapag tumawag ako sa kaniya para mag-report?" Naalarma ako ng maalala si Lolo. "Huh! Yaya, huwag mong sasabihin sa kaniya na natumba ako at nasugatan." Kilala ko si Lolo, siya ang pinaka OA sa lahat ng OA, kapag nalaman niya ang nangyari sa akin, baka buong ospital ay ipadala na nun dito sa Santa Catalina. "Kaya naman ni Nurse Ivy na pagalingin ang mga sugat ko. Mawawala rin naman ang p*******t ng balakang ko, pagbalik natin sa mansiyon siguradong okay na 'ko," pahayag ko. Napasimangot si Yaya Dimples. "Kung magiging pasaway ka na naman kagaya na lang ngayon ay baka higit pa diyan ang abutin mo. Sinabi ko naman sa'yo na huwag kang lalayo sa paningin ko, matigas ang ulo mo," sermon nito sa akin. "Sorry na!" sabi ko na may mukhang nagpapaawa. "Tsk. Hindi mo na ako madadala d'yan sa paawa effect mo!" Halata pa rin ang inis sa mukha ni Yaya Dimples. Napakamot na lang ako ng ulo. "Halika na nga, bumalik na tayo sa villa. Ang dumi-dumi mo na, kailangan mong maglinis at magpalit ng damit. Mahirap nang dapuan ka na naman ng sakit, kagagaling mo lang." "Kaya mo bang maglakad?" Alanganing tumango ako. "Oo, kaya ko," tugon ko. Halatang diskumpiyado si Yaya Dimples sa sagot ko. "Tsh! Naku naman..." "Dapat pala pinasunod ko si Val at Veron dito." Ang Val at Veron na tinutukoy ni Yaya Dimples ay ang dalawa kong bodyguard. Naiwan ang mga ito sa villa pati na si Nurse Ivy, nag-aalmusal pa kasi sila nang umalis kami." "Hindi na kailangan, alalayan mo lang ako, kaya ko namang lumakad." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Yaya Dimples. "Halika nga subukan natin kung kakayanin mo, dahil kung hindi ay tatawagan ko ang dalawa para pasunurin dito." Sinubakan kong lumakad ngunit ilang hakbang lang ang nagawa ko, napapangiwi na ako sa sakit. Kung pwede ko nga lang sumbatan ang lalaking nakabangga sa akin ay ginawa ko na, kaya lang ay ni hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon. Sa huli ay pinapunta na lang ni Yaya Dimples ang mga bodyguard ko. Si Kuya Val ang bumuhat sa akin hanggang sa makabalik kami sa villa. Gaya ng inaasahan ko, nataranta na naman si Nurse Ivy nang makita ang kalagayan ko. Nagpalit muna ako ng damit pagkatapos ay agad na niyang nilinis ang mga sugat ko. Nakaramdam ako ng guilt ng makita ko silang lahat na nag-aalala para sa akin. Sila kasi ang napapagalitan ni Lolo kapag may nangyayaring hindi maganda sa akin. Hindi ko naman intensiyon na magkaganito, sadyang aksidente lang ang nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
291.7K
bc

Too Late for Regret

read
214.2K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.4M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.1M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
122.2K
bc

The Lost Pack

read
252.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
121.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook