HINDI alam ni Heaven kung ano ang mayroon sa kaniya sa mga sumunod na araw at gusto niyang makita ang ina ni RV. Kaya naman tinawagan niya ang ina ng fiancé niya. "Mom, can I come to your house?" Malambing na tanong ni Heaven. "Sure, of course." Pagpayag ng ina ni RV. "You're welcome anytime, Heaven." Matamis na ngumiti si Heaven, "thank you po, Mommy." "Maganda kung pupunta ka dito upang may kasama kami ng Daddy niyo na kakain ng lunch." Anang ina ni RV. "Yes, Mom. I'll bring some food." "Okay." After RV's mom ended the call. Kaagad na nagbihis si Heaven at lumabas ng bahay. Nagtungo siya sa restaurant nila at nagluto ng ilang putahe ng pagkain. Habang si Yvette na nasa kabilang linya ay nagtataka. Mukhang may kakaiba sa fiancée ni RV. Is she that excited? Napangiti na lang si Yv

